goodbye another year.
2009 is about to end and I’m still here, the same old rym. The same old me that I hate.
Anyways, I’m here to blog about all the things that had happened to me this 2009.
January – I found out that I’m pregnant. I was studying then, it was actually a mixed emotions for me. I was happy cause, I realized that I’m gonna be a mom anytime soon. I’ve also realized that I’m a REAL GIRL cause i was able to bear a child.
sad because i know that once my mom will find out about the pregnancy thing, she will going to stop supporting my studies.
February – I told mom that I’m pregnant and yeah, as what I’ve expected, she told me she was hurt and said that she can’t continue to support and give all my needs in school.
March – August – My life was full of jerky decision and blurred thoughts. it was pretty a mess to sum it all up. I actually didn’t enjoy my whole pregnancy. It was full of tears and chagrin and hurtful words and annoying presence of one another. grrr. twas really a red months for me.
September – My little princess was born, she became the source of my happiness eversince. She was the one who helped me to gain back all the strength that I’ve lost in the past months.
October – December – Same old shit. Nothing’s new. Blunt. Boring.
–
So all in all my year was like pretty much a BORING year for me. No happenings. Can’t remember any moment that I had a good laugh, neither a cry. All i can remember is, I was full of pain and anger and distress.
Just hope this year would be different.
I hope to have a job.. More blessings for each and every one of us.. I hope I can learn how to stop yearning for someone or somethings that I know can’t really be a 100% mine. : ) and when that time happens, I’ll be totally free and can start a new life again. *fingers crossed*
and one more thing, one big HIGHWAY SALUTE for all the people who judged me and think that they know me well but the fact is they only perceive what their eyes see. They don’t actually know where all this emotions are coming from. Why I’m like this and why I’ve been doing things like that. I hate you.. that’s it.
hunger
i miss all the memories i had with him. it’s been like almost a year now and yet i’m still in the process of recovering… recovering from all the good memories i had with him and with his family and friends. nothing can really compare with all the things that we had. with all the things that we’ve been through. i still can say that the times that i have him in my life was one of the most treasured and precious moments that i had. those were the times that my life was full of happiness, i see every little things in a positive perspective. those were the times that i love Life.
i love all the people around me, but no one seem to reciprocate all the things that i’m doing.
i feel helpless.
i’m still hoping that i can find someone that will accept me whole-heartedly, without any hesitations.
i just wanted to be loved. i miss the feeling of being loved.
sana ika 2 years na.
one year. ano ba yung isang taon?
one year na simula nun una kitang makita, makilala..
naalala ko pa nun una kitang nakilala. hinding hinde ko makakalimutan nun papalapit ka habang naglalakad ka sa akin. nakatungo, sinisipat ang sarili mo. ako palakad din papalapit sayo, nakangiti.
natatawa ako dahil makikita ko na ang lalaking sobrang kinukulit ko sa chat para makipag kita sa akin para matulungan ako sa project ko sa school.
natuwa ako dahil tinulungan mo ko, nag inuman tayo.. at simula non, natuwa na ko sayo. simula nun araw na yon, madame na ang nangyare. simula nung araw na yon, nag iba na ang takbo ng mundo.
..
isang taon na din simula nun naging tayo.
naalala ko, may gf ka non, may bf ako. pero sobrang gusto kita dahil sa lagi mo kong napapatawa. nadale mo ang weakness ko. dahil don, sobrang nagustuhan kita. naisip ko, ikaw ang male version ko, ka-wave length ko. naisip ko na noon na kapag naging tayo, parang magiging masaya kasi puro kulitan lang ang gagawin naten. naimagine ko na yung mga masasayang bagay na pwede nateng gawin dalawa.
nakipag break ka sa gf mo, ganon din ako sa bf ko. naging tayo.
pinakilala kita sa magulang ko, sa buong pamilya ko. tinanggap ka nila ng buong buo.
..
isang taon na din ang nakakalipas simula nun huli tayong naging masaya.
isang taon na ang nakalipas nun last kong naramdaman ang maging masaya, kiligin, maramdaman ang love, mafeel ang ka sweetan ng mahal mo.
sa ngayon, hinde ko na siya maramdaman. nagbago na kasi lahat e. nawala na ang lahat. hinde na ata mababalik pa. ganito na lang talaga ata. wala na.
sayang, akala ko pa naman pagdating ng anak naten, mas magiging matatag tayo, mas magiging sweet tayo sa isa’t isa. akala ko maipapakita naten kay kylie na masaya tayo at tayo ang nagkatuluyan. akala ko masasabi ko sa anak ko na, “anak, pinaglaban namen ng daddy mo ang love namen, and tingnan mo kame ngayon sobrang love pa din namen ang isa’t isa.”
toink. hinde pala ganon.
….
isang taon na ang nakalipas ang lahat ng ito.
sana sa pangalawang taon. iba na.
malas ko, bakla ang kasama ko! SHET!
BAKLA KA!
uwi ka ng uwi sa inyo, pinapakita mo pa sa mga nanay mo na panay ang away naten. sobra ang kabadingan!
leche! BAKLAAAAAAAAAAAAA!
wala kang balls para ayusin.
ef
hindi ko makakalimutan tong araw na to.
yung ilang days na masaya kami, nagpapanggap lang pala siya. SHIT!!!!!!
masyado akong gulible.
AS OF NOW
hindi ko alam kung pano sisimulan. pero kasi gusto ko magkwento.
nung 21 years old ako, gusto ko na magkaanak. pero hinde ko alam kung handa na ako. hinde ko din alam kung handa na ako magka asawa. ako kasi yung tipo ng tao na come what may, hinde nagpaplano. gusto ng spontaneity. hanggang sa dumating ang hinde inaasahan.
i got pregnant at the age of 22. not bad sana kung nakatapos ako o kung meron na ko kahit papaanong narating. wala pa e. sobrang kulang pa. ni hinde ko man lang natulungan ang parents ko. ang mga kapatid ko. AS OF NOW.. as in now, i have no regrets on having a baby. isama mo na ang pakikipag live in sa nakabuntis sa akin. kahit na dumaan ako sa sobrang dilim na moments at nagbuhos ako ng mala-swimming pool na iyak. AS OF NOW.. wala akong pinagsisisihan.
masaya na mahirap ang maging MOMMY as well as maging nanay ng isang bahay. sa totoo lang, nakaka haggard. kung hinde kayamanan ang asawa mo, wala kang choice kung hinde gawin lahat ng gawain sa bahay. sa totoo lang hinde ko maimagine ang sarili kong gumagawa ng mga gawain sa bahay. minsan, tinotoyo ako at talagang hinde ako kumikilos. mabuti na lang, kahit papaano, ngayon, pinagbibigyan na ako ng tatay ng anak ko.
bago ko ipanganak ang KYLIE ko, nakatira kame sa bahay ng magulang ng tatay ng anak ko. sobrang nahirapan ako kasi hinde ko naman sila kilala, hinde ko sila close. nakilala ko lang sila noong buntis na ako, and after 2 months, inuwi na ako doon ng tatay ng anak ko. mahirap makisama.. lalo na kung hinde mo masyado kakilala at isa pa, kung walang foundation ang samahan niyo. wala akong masabing masama sa kanila, pero minsan hinde mo pa din maiwasang mag isip lalo na kung sa katulad kong masyadong negatibo ang utak.
at sa panahong yon, madalas din ang pag aaway namen ng tatay ng anak ko. hinde ko alam kung dala lang yon ng pagbubuntis ko, yung tinatawag nilang hormonal change. pero sa loob ng siyam na buwan, pakiramdam ko depress na depress ako. pakiramdam ko wala akong kakampi. pakiramdam ko, kaaway ko ang lahat. hanggang ngayon, masasabi kong hinde ko naenjoy ang pagbubuntis ko, wala akong natandaan na naging masaya ako. palaging pilit ang tawa. walang peace of mind. ang hirap.
pero ngayon, nagbago ang lahat nun bumukod kame ng anak ko at ng tatay ng anak ko. masaya na mahirap. ako ang gumagawa ng lahat. pakiramdam ko nagbabahay-bahay-an lang kame. mas masaya. mas tahimik.
nagbago ang lahat.
sana tuloy tuloy na.
ayoko na kasi ng hassle. ayoko ng umiyak. ayoko ng mabadtrip. ayoko ng magtanim ng sama ng loob. ayoko ng magisip ng mga negatibong bagay.
sa ngayon, mas masaya ako.
miss ko lang si mommy, yong, a.l., allan at annie.
♥ love na love ko sila.
ok lang
ok na kame. ok na. hinde na masyado nag aaway. hinde ko lang alam kung paano maibabalik ang dati. sa mga nadamay. sa mommy ko. sobrang importante kasi ang mommy ko sakin. siya na lang ang nagiisang magulang ko. mahal na mahal ko siya.
ok na kame. sobra. sana wala ng magbago. wag din akong maginarte.
basta. sana tuloy tuloy na. para bumalik na yung dati kong nararamdaman.
bakit kasi?
sobrang iyak na lang ako ng iyak. sobrang depress na depress na ko.
never in my dreams na magiging ganito. gusto ko lang naman makipag usap ng ayos. gusto ko maayos. gusto ko lang maging masaya. gusto ko lang maging ok.
tangina….
shitness.
hinde na talaga makausap ng matino. laging galit.
sabi ni kuya, ako daw ang nakakaalam nun. dahil hinde ko pwede lokohin ang sarili ko.
sobrang hirap. sobrang hirap umasa na magiging ok pa ang lahat. mahirap pag isa na lang ang may gustong maayos.
naghohold on kasi mahal ko pa. gusto ko pa maging ok, lalo na para kay kylie.
pero wala ng pakealam..
wala na..
–
hinde ko na alam paano.
ang hirap hirap talaga. sobrang hinde ko na alam ang gagawin ko.
puro na lang daw mali ang ginagawa ko.
paano magiging tama, e wala naman talaga siyang nakikitang tama sa mga ginagawa ko.
paano pa makikita ng tama, e wala na ngang nararamdaman..
–
sugar, sana maisip mo lahat ng nagagawa mo. alam ko sobrang galit ka sakin. alam ko napuno ka na..
pareho tayo ng nararamdaman, pareho tayo ng nagagawa, pero hinde pa din ako gumigive up kasi mahal kita.
ikaw hinde mo kayang ipafeel saken yon. kasi wala na…