AS OF NOW

hindi ko alam kung pano sisimulan. pero kasi gusto ko magkwento. :)

nung 21 years old ako, gusto ko na magkaanak. pero hinde ko alam kung handa na ako. hinde ko din alam kung handa na ako magka asawa. ako kasi yung tipo ng tao na come what may, hinde nagpaplano. gusto ng spontaneity. hanggang sa dumating ang hinde inaasahan.

i got pregnant at the age of 22. not bad sana kung nakatapos ako o kung meron na ko kahit papaanong narating. wala pa e. sobrang kulang pa. ni hinde ko man lang natulungan ang parents ko. ang mga kapatid ko. AS OF NOW.. as in now, i have no regrets on having a baby. isama mo na ang pakikipag live in sa nakabuntis sa akin. kahit na dumaan ako sa sobrang dilim na moments at nagbuhos ako ng mala-swimming pool na iyak. AS OF NOW.. wala akong pinagsisisihan.

masaya na mahirap ang maging MOMMY as well as maging nanay ng isang bahay. sa totoo lang, nakaka haggard. kung hinde kayamanan ang asawa mo, wala kang choice kung hinde gawin lahat ng gawain sa bahay. sa totoo lang hinde ko maimagine ang sarili kong gumagawa ng mga gawain sa bahay. minsan, tinotoyo ako at talagang hinde ako kumikilos. mabuti na lang, kahit papaano, ngayon, pinagbibigyan na ako ng tatay ng anak ko.

bago ko ipanganak ang KYLIE ko, nakatira kame sa bahay ng magulang ng tatay ng anak ko. sobrang nahirapan ako kasi hinde ko naman sila kilala, hinde ko sila close. nakilala ko lang sila noong buntis na ako, and after 2 months, inuwi na ako doon ng tatay ng anak ko. mahirap makisama.. lalo na kung hinde mo masyado kakilala at isa pa, kung walang foundation ang  samahan  niyo. wala akong masabing masama sa kanila, pero minsan hinde mo pa din maiwasang mag isip lalo na kung sa katulad kong masyadong negatibo ang utak.

at sa panahong yon, madalas din ang pag aaway namen ng tatay ng anak ko. hinde ko alam kung dala lang yon ng pagbubuntis ko, yung tinatawag nilang hormonal change. pero sa loob ng siyam na buwan, pakiramdam ko depress na depress ako. pakiramdam ko wala akong kakampi. pakiramdam ko, kaaway ko ang lahat. hanggang ngayon, masasabi kong hinde ko naenjoy ang pagbubuntis ko, wala akong natandaan na naging masaya ako. palaging pilit ang tawa. walang peace of mind. ang hirap.

pero ngayon, nagbago ang lahat nun bumukod kame ng anak ko at ng tatay ng anak ko. masaya na mahirap. ako ang gumagawa ng lahat. pakiramdam ko nagbabahay-bahay-an lang kame. mas masaya. mas tahimik.

nagbago ang lahat.

sana tuloy tuloy na.

ayoko na kasi ng hassle. ayoko ng umiyak. ayoko ng mabadtrip. ayoko ng magtanim ng sama ng loob. ayoko ng magisip ng mga negatibong bagay.

sa ngayon, mas masaya ako.

miss ko lang si mommy, yong, a.l., allan at annie.

♥ love na love ko sila.

10/28/2009. Uncategorized.

Leave a Comment

Be the first to comment!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback URI

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.